Closure Crap

Ligawin ang kaibigan kong si Data Scanner. Lahat ng klase ng tao nanligaw na sa kanya. Totoo, saksi ako sa lahat ng ito, kaya tingin ko alam na alam na nya dapat ang siyensya ng pagiging ligawin. Pero kung pagiging ligawin rin lang ang pag-uusapan, wala nang mas ligawin pa kaysa sa akin. Sa apat na taon kong ipinamalagi sa UP Diliman hindi ko natutunan kung papaano pumunta ng Eng mula Gym, o kaya Islamic Studies mula Math Building nang tama ang jeep na sinasakyan. May bago lang na basurahan in sight or bagong halaman or bagong poster ng mga kakandidato for USC (like V for Viniegra! Peachy Viniegra!) nalilito na ako at kailangan ko na bumaba ng jeep in the middle of nowhere para hanapin ang lugar nang naglalakad.

First day ko pa lang Ikot na kaagad ang sinakyan ko e kailangan ko pumuntang Math galing Kalayaan. Syempre baba ako nang malayo, kaya pagdating ko sa first class ko na Math 17 ay pure hingal ako at wala nang maupuan kundi sa likod, na nalaman ko na lang later ay mga irregulars pala ang mga katabi ko at hindi blockmates, kaya late rin ako nagkaron ng blockmate friends (arte) ahahahah. For more katangahan, ang akala ko kasi dati ay pareho lang ang Ikot at Toki, baliktad lang ang ruta, na kung inisip kong magaling noon ay totoo namang walang point.

Naalala ko lang lahat ng ito dahil nakausap ko recently ang isang die-hard UP student, by die-hard I mean yung iisipin mong tipikal na UP student na umaattend ng mga rally, active sa student politics, at yung may pakialam talaga sa mga isyu. Hindi kagaya ko, na aattend lang ng klase, kakain sa Philcoa, at babalik na sa dorm para magbasa ng comics. Comics, dahil kahit nung college hindi naman talaga ako masipag mag-aral. Except yung Math 17, inaral ko talagang mabuti yun, dahil wala nang mas tatanga pa sakin pagdating sa Math 17. Gusto kong sabihin ngayon sa teacher ko sa Math, o ayan, matanda na ko, ano naman ang pakialam ko sa mga integers at word problems like kung anong timba ang unang mapupuno sa ganitong x numbers ng tulo ng gripo o kung ilang taon na ang uncle ko kung sa isang bukas ang birthday nya kung twice the age sya two years ago ng pinsan ko ahahahahaha. Wala! WALA!!!! Walang closure, dahil hanggang ngayon naiirita pa rin ako sa Math 17 teacher ko ahahahaha.



Categories: Blogs

9 replies

  1. Akala ko yung term mo na \”ligawin\” is madaming nanliligaw aka suitors, ahahahahaha.Napagtanto ko lang nung nasa 5th sentence yata ako.At bakit nagtatagalog ka na naman? Wait, pareho ba tayo nng teacher sa Math 17? Yung kalbo na guy na parang laging nawawala sa sarili?

    Like

  2. ANL welcome back, nope magkaiba tayo ng teacher sa Math 17. samin yung oldie woman na chalk lang ang dala pag pumasok hahahaha

    Like

  3. ANL, also, I really meant the suitor definition in Data Scanner's context, but not in mine hee hee hee pa effect kunwari

    Like

  4. Ang tanga ko. Oo nga, binasa ko kasi uli yung post. Yung kay DATA SCANNER, ligawin meaning madaming suitors nga. Mahina ako sa reading comprehension.

    Like

  5. Kilala ko na si Data Scanner. Ito ba si TLN???haha, sya yung kilala ko na ligawin. Enter Monsey here. BTW, ano na nangyari kay Monsey?

    Like

  6. You're right once again, very astute. I promised her I wouldn't use her usual codename dahil hindi naman talaga codename ginagamit ko sa kanya hahaha. pero hanggang ngayon, ligawin pa rin sya, from all walks of life. Ewan ko kung ano nangyari kay M.

    Like

  7. haha! naaliw na naman ako at tagalog ka nagsulat. at ngayon ko lang napansin na ang ligawin nga ay may dalawang kahulugan. my gulay. ikaw pa lang ang ikalawang liangco na nakilala kong ligawin. ako yung una. bwahahahahah! at lagi kong sinasabi sa mga nagtatanong saken kung alam ko yung this or that place, na kaya nga may asawa akong magaling sa direksyon dahil wala akong direksyon. at hindi din ako pwedeng maging driver. now, ikot at toki. nung time ko, toki lang ang umiikot sa math building. pero kadalasan, mula sa AS nilalakad na lang namin yun.uso naman dun ang maglakad e. at oo, reserved ang panghuling mga upuan para sa mga irreg students. pero di mo nga yun malalaman kapag freshie ka pa. math 1 lang ang required sa amin kaya nasayangan ako kahit papano na yun lang ang meron. at naaalala ko rin na may classmate kami sa math 1 na 76 ang umpisa ng student number. samantalang kaming mga freshie ay 93 (oo matanda na talaga ako) now that I have said these, do i qualify to be called a person with eidetic memory? hahaha! closure crap talaga. namiss ko tuloy ang UP naming mahal.

    Like

  8. ate kaye: ahahahaha and pag nag classes tayo ngayon sa diliman for some reason ay tayong mga 9-something na ang oldies dahil 2010 na ang student number nila!!!

    Like

  9. OMG! I totally didn't realize this. sheeet! onga no? Buti na lang graduate na tayo, we don't have to take those darn GE subjects with those freshies. ahahahaha!

    Like

Leave a comment

Little Wishing Star

I have a dream job. and it really all started with a dream.

From The Murks Of The Sultry Abyss

Words and photos by RA-san.

Ella Thinks Aloud

A blog by Ella Mae Masamayor

sing like wildflowers

My full and kooky life as a homeschooling mommy to 2 great kids, raising a child with HLHS (Hypolastic Left Heart Syndrome), coping with depression, following Jesus, and being much too camera happy.

Eris Goes To

A Food, Travel, and Lifestyle Blog

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras and typewriters, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Lucia's Fiction

Lifestyle and Writing Tips

Life and Lemons

Life through my graded eyeglasses

E Z R A P A D E S

A Compendium of Daily Quests, Mishaps and Sweet Escapades

Words and Coffee Writing

Navigating my writing adventures through teaching, motherhood, and cancer.

ladyveilchen writes

Nurse. Educator. Just loves life.

On the road

Life's journeys are worth sharing.

Inkhaven

A temporary haven for my restless words