Pinaalala pa kasi ni The Daw aka BOTD aka Supervillainess Helliza. Natatakot tuloy ako ulit bigla.
Sa mga panahong ito ay nagtatrabaho ako sa isang lugar na kung tawagin ay Cancer Institute. Tuwing tinatanong ako ng ibang tao kung hindi ba raw ako nahihirapang mag “disclose” ng diagnosis sa mga pasyente at pamilya nila, sinasabi ko na kalimitan ay hindi. Dahil tignan pa lang nila kung nasaan sila ay dapat medyo alam na nila, so ika nga, we don’t need to beat around the bush (pilit na pilit ang expression, gusto ko lang kasi sabihin ang salitang “bush”) Hindi ito tinatawag na Wellness Institute, or Recovery Institute, o kahit man lamang Institute of Neoplasms. Direct to the point, alam ng lahat, kung ano ang Cancer. Dati nga nung bata mga bata pa kami at naglalaro kami ng nanay at mga kapatid ko ng Scrabble ay bawal magbuo ng salitang Cancer. Bawal sabihin o isipin.
Pero ang pinaalala bigla ni Helliza ay ang supposedly mga katatakutan na nangyayari dito. Nung mga intern pa lamang kami, isa sa mga malulungkot na duty ay ang CI. Ilang oras ka kasing uupo sa isang sulok, magbabasa basa kunwari, at mag-iintay na may lumabas na mga tray na pang swero o dumating ang oras na mag-monitor ng mga kinikimo. Kikimo talaga. Minsan isang 12 midnight habang naka-duty tumakas ako. Pumunta ako sa malapit na Mini-Stop at kumain ng ice cream. Wala namang nangyari.
Pinaalala lang bigla ni Helliza na may mga ghosts and stuff sa building na ito. Kung tutuusin hindi naman ganun karami ang namamatay dito, dahil bago sila mag-toxic and stuff ay kaagad na silang nililipat sa ward. Pero sabi ni Helliza, may mga small kids na multo daw na tumatakbo-takbo taas-baba sa malapad na hagdan. Minsan sa kakatakbo nila ay umaabot sila sa katabing Ophtha building kung saan kinukulbit nila ang mga intern at clerk lalo na pag natutulog. Tumatakbo-takbo rin daw sila pag gabi sa gitna kung saan nandoon ang fountain.
Pero ang mas nakakatakot, at cinoroborate (ano totoong tagalog dito?) ng iba pang tao, ay ang small room na… nawawala. Minsan habang nagmomonitor ka daw ay bigla na lang may kwartong hindi mo makita. Para ka daw nasusukob or namamatanda o nakakapre, basta hindi mo mahanap ang kwartong ito na malapit sa elevator. Na paglingon mo, andun na ulit! Ang hirap-hirap na nga mag monitor at mag insert ng linya at kumuha ng dugo sa mga sunog na ugat, magva-vanish pa ang kwarto for MORE kahirapan. Hell talaga. Hellellel.
Kaya kung dati, hindi lang ako tumitingin sa mga salamin sa CI pag gabi, ngayon di na rin ako tumitingin sa fountain. At sa hagdan, pinakamabilis akong bumaba. Hindi pa nakatulong na nagpictorial pa bigla ang Cardio section dito for their winner presentation, kaya pang Kilabot Komiks na talaga:
(credits to photographer)
GAAAAAAAAAAAAAAAH! Pinakanakakatakot ang pag-tilt ng ulo ni Melgar, parang may hawak na kutsilyo sa likod.
Categories: Blogs
ahahaha. i can't believe you forgot all the mumu kwentos from CI. and the missing room doesn't go back immediately. mga after 2 cycles of monitoring andyan sya uli. and then after wala na naman. ahaha. and the mirrors wala naman kwinento sa amin doon. pero yun scary daw were the mirrors in the psych opd CR. kaya tinanggal. so wala siguro mumu sa CI mirrors…dahil dapat natanggal na sila ahahahahahaha.
LikeLike
bakit hindi ko alam yang mga mumu kwento na yan? pag may biglang patient na di ko namonitor after one cycle at mapapakamot ako ng ulo dahil nakalimutan ko na naman daanan si room near the elevator, inaassume ko inaantok lang ako mashadow.ignorance is bliss!!!!
LikeLike
Hahaha im sorry pero tuwang tuwa talaga ako sa theatrical abilities ni melgar matulac. And i dont know how you can stand CI. talagang, lets put all the people with cancer together! For more!
LikeLike
HTGOF, ang theme ng CI ay: Together We Can Beat Cancer. Hindi, pauso ko lang yun. But it rhymes.
LikeLike
Thats a really good line. You should make a poster. The poster with the mirror is creepy.
LikeLike
Ano nga pala nakasulat sa poster na yon?
LikeLike
something like you can look this good and still have cancer! AHAHAHAHHA for mooooore paranoia
LikeLike
ahahahaha, thanks for the publicity!!! abangan ang further histrionicisms ng mahal kong section. marami pang coming. 🙂
LikeLike
@sir will: wow not bad! GANDA! Ahahahaha kidding im just letting out my inner clangclang.
LikeLike