Ang sabi ko sa pasyente, “Bantayan nyo po mabuti. Kapag naglagay kayo ng Isordil kapag mabigat ang dibdib nyo. Kapag hindi nawala ang sakit… kapag sa halip ay mas sumasakit pa, ayun, humangos na kayo, maghanap ng kasama, at pumunta sa Emergency Room… Kasi po baka atake na yan ng puso.”
Ang pasyente ay tumitingin na tila may isang malaking patlang sa kanyang isipan.
Ang habol ko, “Opo, kailangan nyong maintindihan… may sakit kayo sa puso. Sa ngayon ay hindi pa naman sya malala. Pero kailangan alerto kayo sa posibilidad na pwede kayong maatake sa puso”
“Paano po ang pakiramdam nun?”
“Ah. Pwede kang manglata ng biglaan. Yun bang parang wala ka nang lakas kumain. Yung parang akala mo bibigay na ang katawan mo at wala nang bukas pero alam mong buhay na buhay ka pa para tiisin yung sakit dito” Sabay turo ko sa puso.
“Mamatay ba ako pagna-atake sa puso?”
“May posibilidad. Pero kung maaga mong idudulog ang problema mo, mas liliit ang tsansa. Pagmay peklat na ang puso na mula sa sugat ng isang atake.. Pwedeng paulit-ulit lang ang sakit habang buhay… Pwedeng hindi na sya kasing siglang tumibok na gaya ng dati.. Pwedeng bumigay na nang tuluyan.”
“Doc, bakit po kayo naluluha? E ako naman ang may sakit?”
“Wala. Parang residency lang kasi yan. Nakakapanglata. Nakakawalang ganang kumain… kahit favorite na lomi mo sa coop hindi na masarap, kahit ang mga Wednesday, nakakalimutan mo na ang Pasta ni Lolita… Oo, kagaya ng residency… Pwedeng mapagod ang puso.”
“Doc, focus naman sa kin. Ako ang pasyente.”
“ahehehe… sorry.”
Huwag kayong mag-alala. Hindi naman nangyari to sa totoong buhay. Ito’y pawang kathang-isip lamang. Hehehe.
Categories: Blogs
Leave a Reply