For More Jumping the Shark

Talaga namang pag hi-nope mo na sana walang referral, pag-upong pag-upo pa lamang para uminom ng kape sa alas-otso ng umaga magri-ring ang phone. In real life naman–in secret–natutuwa ako pag may referral, siguro practice mind-set na rin in real life. Very impressionable kasi ako, and nung second month ko pa lang ng residency ang boss ko ay si Ma’am Lu, and nagagalit sya pag hindi pinupuntahan ng subspec or ibang services yung referral ko. Ika nya, habang dina-dial ang number nung fellow, “Ayaw ba nila ng referral?! Ano gusto nila umupo na lang the whole day sa office nila?!?”. At nung fourth month of residency, si Ma’am Malen ang boss ko, at sabi nya sa ER pag rounds namin, “Dapat pag duty ka, pagod na pagod talaga!” Yun na, di ko na nakalimutan, so naging ganun na ang mind-set ko.

Pero ibang usapan na kasi pag wala kang idea kung paano mag-manage ng mga referral na wala ka naman talaga kaalam-alam in real life. Isa kasi akong hamak na rotator sa Neurology ngayon. Biruin mo, first year med school pa lang (2001)ay neurology na agad ang una namang clinical experience, and now 9 years hence, ang tanda-tanda ko na, hindi ko pa rin matandaan ang mga corticospinal chuchu. And for more–FOR MORE!!!– kabobohan ay kung anu-ano pang kaso ang napadpad sakin. Malay ko ba naman sa anterior spinal cord syndrome. Ang stress level nya ay parang tatlong MI at tatlong mega-UGIB na sabay-sabay. And magbubuklat pa lang ako ng libro para magbasa tungkol dito ay magriring na naman ang telepono for yet another case na hindi ko alam. Kawawa naman yung senior ko sa rotation na ito, ang level of kabobohan ko habang nakatitig ako sa CT skull ay, “Alin dyan yung pons?” Ibang level ng kahihiyan na ito.

Umasa pa naman ako na makakatakas ako para makapunta sa Collecticon 2010 toy convention sa rob, and dahil di ako nakapunta kahapon kanina na lang ako pumunta. Masaya ang Collecticon, nagsimula ito nung 2008, at ewan ko ba, parang may kakaibang glow at saya lang ako pag napapalibutan ako ng napakaraming action figures. Nakita ko na naman kanina ang high school friend ko na si Warburger na nakikita ko sa bawat toy convention. Ang dami-dami na naman nyang hauls. Hauls talaga, dahil hindi ko matatawag na hauls pag bumibili ako at may bitbit lang akong isang loose Agent Orange action figure at isang Supergirl action figure.

Isa na ngayong employee ng PNOC si Warburger kaya mayaman na sya, kaya kaya na nya talagang mag-HAUL ng mga laruan. Nung kumain kami sa Wendy’s inenumerate nya kung sino ang versions ng Big 7 ng Justice League ang best version nila in terms of action figures. Sabi ko ang favorite Aquaman version ko ay yung Grant Morrison Justice League 1997 era. Nakakatuwa pag naiintindihan ng kausap ko ang mga rants ko tungkol sa laruan.

Habang kumakain kami ng hamburger, sabi ni Warburger ngayon niya nare-realize na ang lahat ng bagay na tingin nya ay importante nung high school at college ay apparently hindi naman pala talaga importante ngayon. Sabi ko I agree–dahil pera at laruan lang naman talaga ang importante ngayon AHAHAHAHAHA. Like nung 2nd year high school kami pinag-awayan namin ang tickets sa WWF in Manila, super addict kasi ako sa WWF noon at darating si Yokozuna, Bret Hart, and Undertaker. Eh ngayon, wala na akong pakialam sa wrestling, at nalulungkot ako pag nakikita kong puro kulubot na si Undertaker, parang hindi na sya nakakatakot. Pero in fairness to him kaya pa rin nya magbuhat ng kalaban at gawin ang tombstone pile driver, mas mahirap nga lang siguro.



Categories: Blogs

6 replies

  1. hahahaha. ok lang yan. neuro is soooooooooooo hard. paturo ka nalang kay maam aggie. 🙂 heheehhee. kung kami ni HTGOF ang kasama mo…kasabay mo kaming hihiyaw ng PO@*$Y&@*@ where the hell is the PONS?!?!?! AHAHAHAHAHAHAHHAA.

    Like

  2. Sumakit ang ulo ko sa Tagalog mo. Pwede ba, hindi bagay Willyboy. Wag na ulitin pls.

    Like

  3. but ANL, nadiscover ko na SUPER FUN pala ang magsulat this way AHAHAHAHAHAHAHAHA.

    Like

  4. Intern Fangoria: basta while looking at the ct skull, alam ko na brain yun..yun lang..ahihi… ibang level talaga ang winning streak ni undertaker sa wrestlemania!!! yuh, di na sya nakakatakot… buth..the URN is back.. at si paul bearer ay nabuhay na ulit! for more spookiness!

    Like

  5. one day while in LU 5… i overheard one of the preceptors ask their group: \”do any of you watch wrestling? so who is the most macho of all the wrestlers before? The wrestler with the biggest body?\” And to this, a couple of blank faces stare back at the preceptor. \”Do any of you know of the ultimate warrior?\” a couple of students nod their heads. \”Do you know where he is now?\” some of the students shake their heads. \”Well, he's dead. And it's because of steroids.\”

    Like

  6. intern fangoria: in fairness di ko alam na namatay pala si paul bearer!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

From The Murks Of The Sultry Abyss

Words and photos by RA-san.

Ella Thinks Aloud

A blog by Ella Mae Masamayor

sing like wildflowers

My full and kooky life as a homeschooling mommy to 2 great kids, raising a child with HLHS (Hypolastic Left Heart Syndrome), coping with depression, following Jesus, and being much too camera happy.

Eris Goes To

Food, Thoughts, and Adventure

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras and typewriters, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Lucia's Fiction

Lifestyle and Writing Tips

Life and Lemons

Life through my graded eyeglasses

E Z R A P A D E S

A Compendium of Daily Quests, Mishaps and Sweet Escapades

Words and Coffee Writing

Navigating my writing adventures through teaching, motherhood, and cancer.

ladyveilchen writes

Nurse. Educator. Just loves life.

On the road

Life's journeys are worth sharing.

Inkhaven

A temporary haven for my restless words

The Yearner's Park

Your one stop entertainment and lifestyle website

%d bloggers like this: