Yung Tipong Walang Effort sa Pagsusulat, Kung Ano Na Lang ang Maisip

Maraming salamat sa lahat ng nagbigay bati sa aking kaarawan, kahit in general weird ang pagiging non-existence nito. Kahit hindi na dapat ito big deal sakin dahil hindi naman sya ganun ka-special, in real life, ang tanda-tanda ko na ay naiirita pa rin ako, at bakit naman hindi, looking forward ka na birthday mo kinabukasan tapos biglang ibang date ang darating. Nung grade 2 ako, dahil walang 29 ay wala ni-isang nakaalala sa mga kaklase at teacher ko. Kahit parents ko ahahahahah for more drama. Dahil dito pinapaalala ko na ito sa mga kaibigan ko every year. Every year ay tinatanong ko rin, more like bina-badger, ang nanay at tatay ko na baka naman nagpapakaspecial effects lang sila kaya 29 kunwari ako pinanganak. Hindi daw.

“Or baka malapit na yun mag midnight at March 1 na talaga?” tanong ko pa.
“Hindi, lunch break ka pinanganak,” sabi ng nanay ko, sabay kwento ng mga details sa small clinic kung saan ako pinanganak, na kesyo kilala raw nila yung ibang tao dun etc etc at which point ay nag shu-shut off na ako.

Nung med school ako may nakilala na 29 din pinanganak, yung kaklase kong si Mildred.
“Matalino ang mga pinanganak sa 29!” sabi ng isa pa naming kaibigan. Except–EXCEPT!!!–as if on cue ay renal physio exam namin yun. Highest si Mildred. 98 sya. First year med pa lang sya naiintindihan na nya ang mga creatinine at tubules and stuff. Ako, 51. Ahahahahahah. Hence grand finalist ako nung final exams na. Grand finalist ako sa lahat ng bagay na pwedeng mag-grand finalist. AHAHAHAHAHAHA. In fact hanggang ngayon, nakapasa na ako ng boards at naging doktor, nakapag-residency na ng internal medicine sa PGH at nakapasa sa specialty boards nito… ay in real life hindi ko talaga nauunawaan yang mga sodium transport whatever crap na yan. AHAHAHAHAHA.

Next year may birthday na ako ulit. Madaling tandaan, basta divisible by four ay may Feb 29. At basta may Olympics. Laging may isang Feb 29 sa bawat stage of life–high school, college, medicine, residency, and this time, fellowship. Ano na kaya ang kalagayan ko next year, ngayong walang sweldo ang fellowship. Dati inaasar ko si Smoketh na sa sobrang hirap nya bilang fellow ay iniinom na lang nya yung tubig sa baso ng ABG. Walang ABG involved sa onco.

And, as if on cue, ang biglang nagplay sa aking iPot ay ang pinakamalalim na kanta ni Janis Joplin entitled Mercedes Benz with the first line: Oh Lord won’t you buy me a mercedes benz?!?

Oh Lord!



Categories: Blogs

8 replies

  1. ano bang meron sa CI? ahahaha. yun ang pwede mong kainin/inumin. ahahaha. dapat ituloy ang 140 pesos/day for mooooooooore katipiran ahahahahaha.

    Like

  2. Oo nga 'no! Basta leap year, may olympics pala. And leap year is the year women can legitimately pursue men. Wohooo, next year, go go go!Happy birthday, will!

    Like

  3. Awww… But you have to be thankful to the Facebook birthday alerts dahil dun nabati kita. Ahahahaha! Basta ang alam ko, lahat ng mga pinanganak ng February, matatalino kasi kasama ako at ikaw dun. Oo nga pala, bakit hindi mo ko binati nung birthday ko? bwahahahahaha! Belated Happy birthday, cuz!

    Like

  4. BOTD: merong… mga butas sa walls! ahahahaMa'am jean: thanks ma'am! and yes, go go go!Ate Kaye: Ahahaha oo nga. 😦 thanks for dropping by! 🙂

    Like

  5. Uy si Willy nagtagalog na naman – para mukhang pang-proletariat ang dating ng blog nya. Happy, happy birthday!! Nasa CI ka na ba lagi? Naaalala mo pa ang walang katapusang monitoring sa CI na mag isa ka sa gabi? Hehe..BTW, may nakita kami na THE COMIC SHOP of all COMIC SHOPS at naalala ka namin. HAyaan mo pag yumaman kami at may pera na pampamasahe, papasalubungan kita hehe.May maliit na pala na version ng Reese's ngayon. Grabe , miss na miss na kita Willyboy.Tinatanong ni Lenlen kung like mo daw ba yung co-fellow mo na kamukha nya.

    Like

  6. abe navarro and len len! yup CI na lagi, yung tiga prepare ng mga chemo na pinupush ng mga interns pag gabi. yup i love my batchmates, very quirky and fun! lagi ko naaalala si len len hahaha as in. may selecta Reese's ice cream din bigla na kinain ko last week. pag pala umuwi kayo pasalubungan nyo naman ako ng…. isang boteng loratadine ahahahahahah

    Like

  7. we can pursue men pag leap year?! i love it! siempre sa comment ako ni WoW nagcomment. it's ok SAFM… ang cool cool kaya na pinanganak ka on the 29th so what the helllelelel at so ahahahaha!

    Like

  8. leap years are divisible by 4 EXCEPT for years ending in 00 which should be divisible by 400 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

From The Murks Of The Sultry Abyss

Words and photos by RA-san.

Ella Thinks Aloud

A blog by Ella Mae Masamayor

sing like wildflowers

My full and kooky life as a homeschooling mommy to 2 great kids, raising a child with HLHS (Hypolastic Left Heart Syndrome), coping with depression, following Jesus, and being much too camera happy.

Eris Goes To

Food, Thoughts, and Adventure

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras and typewriters, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Lucia's Fiction

Lifestyle and Writing Tips

Life and Lemons

Life through my graded eyeglasses

E Z R A P A D E S

A Compendium of Daily Quests, Mishaps and Sweet Escapades

Words and Coffee Writing

Navigating my writing adventures through teaching, motherhood, and cancer.

ladyveilchen writes

Nurse. Educator. Just loves life.

On the road

Life's journeys are worth sharing.

Inkhaven

A temporary haven for my restless words

The Yearner's Park

Your one stop entertainment and lifestyle website

%d bloggers like this: