Dyip

Ewan ko ba, nagising na lang ako bigla kaninang umaga at naisip ko na magsulat na ulit ng blog, parang ang tagal na rin kasi. Oo na, parang nung isang linggo lang naman ako huling nagsulat, pero dahil may sakit ako nagwiwiwithdrawal ako tuwing di ako nakakapagsulat kahit mga ilang araw lang. Sakit yan, isa sa maraming sakit sa pag-iisip na di naresolba sa pag-edad at maraming taon ng gamutan.

Pero naisip ko,naririndi na ako sa sarili ko. Pag binabasa ko ang mga blog entries ko, ang mga mahahabang pangungusap, ang mga run-on sentences, ang mga paikot-ikot na sinasabi, tunay ngang nakakarindi sila, kawawa naman ang ilang mambabasa ko. Kako, baka pag nagtagalog na ako mas hindi na nakakarindi, kaya nga’t sinubukan ko uli’t magsulat sa pilipino.

Maliban sa iba’t ibang paraphilia at sakit sa pag-iisip mayroon din akong sipon. Oo, napaka interesante di ba. Sipon. Nagsisimula lang ito sa isang malalang allergic rhinitis attack at susundan na ng ilang araw na cycle ng barado at tumatakbong (runny) sipon. Nung isang araw nga kinonsulta ko na si Pyro, isa sa pinakamatalino sa batch namin. Pag nagkakasakit kasi ako nakakalimutan kong doktor din ako, kung anu-ano ang ginagawa ako at lalo itong lumalala.

“Pyro,” sabi ko, “ano ba ang gamot sa sipon. Di ba hindi naman tumatalab ang antibiotic sa sipon kahit anong kulay pa ito.”
“Nag-aantibiotic ako,” sabi ni Pyro. “Sa umaga clindamycin at clarithromycin. Sa tanghali cefpodoxime.”
Para sa mga sinusuwerteng hindi napadpad sa medical field ang mga gamot na ito ay matatapang na antibiotic para sa malalalang impeksyon. Nakalimutan ko na si Pyro nga pala ay umiinom ng propranolol, isang gamot sa sakit sa puso, tuwing kinakabahan sya.
“Minsan di ba mabaho na ang sipon,” paliwanag pa ni Pyro.
“Oo nga, minsan kulay putik na ito at napakabaho. Parang pinagsama-samang sipon, nana, necrotic tissue, at kung anu-anong bulok na bagay,” sabi ko.

“Anong pinag-uusapan nyo?!?” sigaw ni Dondee galing sa kabilang lamesa.

Ang galing, hindi ako naririndi sa sarili ko pag pilipino ang wika. At pakiramdam ko pa nasa UP Diliman ako ulit na naka tie-dye t-shirt, maong, at tsinelas at naglalakad mula PHAN papuntang Vinzon’s para sumakay ng dyip.



Categories: Blogs

6 replies

  1. in true medicine commercialism portion, this is not you wil. its still funny, but in a difficult to read way. gone were the days of UP diliman mode. but well, for all i know you may have hidden desires of throwing paint all over quezon hall and its inhabitants. then, i may just not know you that well at all.

    Like

  2. komersyalismo! ibagsak ang komersyalismo! pero hindi ito ang isyu! isang mapagpalayang hapon sa lahat! ang mga magsasaka! ang mga nakulong dahil sa imperyalismo! make them laya!

    Like

  3. funny when you write in Filipino. I think I prefer the run-on sentences in english than your attempt at making sense in Filipino. haha. joke. (but have I ever told you that jokes are really half-meant?) 😉 teka, bakit sa vinzon's ka pa sumasakay?

    Like

  4. natutuwa lang ako dun sa short walk from PHAN to vinzon's, passing by the sunken garden and stuff.:)

    Like

  5. Ah Willy, tama na ang makibaka days. Balik na sa ENglish mode. MAs nakakarindi ang tagalog mo! Pagpapanggap, you cono kid! :)Sayang may 2 bote pa ko ng loratadine dito na hindi pa bukas. Nakakagulat, nawala ang allergic rhinitis ko dito.Sariwang hangin baga.Mag english na. Nakakarindi ang Tagalog mo.

    Like

  6. ANL,nguni't, nguni't, ngunit…sige mag papakacono kid na lang ako. pengeng loratadine huhuhu as in debilitating na ito.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

From The Murks Of The Sultry Abyss

Words and photos by RA-san.

Ella Thinks Aloud

A blog by Ella Mae Masamayor

sing like wildflowers

My full and kooky life as a homeschooling mommy to 2 great kids, raising a child with HLHS (Hypolastic Left Heart Syndrome), coping with depression, following Jesus, and being much too camera happy.

Eris Goes To

Food, Thoughts, and Adventure

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras and typewriters, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Lucia's Fiction

Lifestyle and Writing Tips

Life and Lemons

Life through my graded eyeglasses

E Z R A P A D E S

A Compendium of Daily Quests, Mishaps and Sweet Escapades

Words and Coffee Writing

Navigating my writing adventures through teaching, motherhood, and cancer.

ladyveilchen writes

Nurse. Educator. Just loves life.

On the road

Life's journeys are worth sharing.

Inkhaven

A temporary haven for my restless words

The Yearner's Park

Your one stop entertainment and lifestyle website

%d bloggers like this: