Tapos kanina nagkukwentuhan pa ang lahat kung anu-anong fun things ang ginawa nila kagabi nung post-exam night-out habang mag-isa ako sa callroom as ICU duty at patakbo-takbo kung saan-saan pag may nagco-code. Ewan ko ba kung bakit pag duty ko lagi na lang ang daming nagco-code sa buong ospital, at ang dami ring referrals. Lagi na lang ako inaasar ng all na wala raw ako kakwenta-kwenta referran, as in usually kasi hinihingi ko lang ang name and location and kung ano ang BP and kung gising ba. Yun lang ang tinatanong ko: Ano pangalan, nasaan, ano BP, gising? Na namimisconstrue as kabaitan which couldn’t be wrong-er. In real life kasi super itim ng budhi ko, pero pag referral na nakakatamad naman kasi talaga magpa-endorse ng pagkahaba-haba at magtanong over the phone ng mga bagay-bagay like kung smoker ba or promiscuous yung patient, eh kahit naman promiscuous sya o hindi e pupuntahan ko rin naman sya, sayang lang ang oras. BP at kung gising lang ang gusto kong malaman dahil gusto ko lang malaman kung may time pa para mag-kape at mag-lur bago pumunta sa pasyente o dapat na ba akong magpaka-aligaga hahahaha. Hindi kabaitan yan, kundi katamaran, isang original concept ni ma’am jean. And ayoko lang talaga in general magsungit o magalit, dahil muka akong tanga pag nagsusungit o nagagalit. Para lang siguro syang allergy, kahit ano pang pathway and cell receptors and interleukins and stuff ay bibigyan ko rin naman sya ng anti-histamine in the end. Parang ganun.
So daldalan ang lahat kanina sa callroom, ang ganda daw nung movie na may owls na kesyo pinanood pa daw nila sa 3D. In my bitter head: E ano ngayon! Tinulugan ko nga sila. Sige magkwentuhan pa kayo how fun fun fun it was. Parang sa Survivor, pag may nanalo ng reward challenge at pupunta sila sa some island para kumain and experience the culture and stuff, di ba pagbalik nila at pinagkwentuhan nila how fun it was, yung mga naiwan ay naiirita at gusto na sila i-vote out sa next tribal council. Ganun.
Categories: Blogs
Haha love the bitterness of it all! Ang kadiri nung owl movie they look so creepy and the movie sounds too preachy preachy like jonathan livingston seagull *regurge*. Wouldnt waste my money on that. Magcomics kana lang sir.
LikeLike
Ampalaya mode on ka ngayon, my dear cousin. And I just discovered how funny you are when you write in Filipino. As in it really felt as if you were just typing whatever was in your mind. mahabang paragraph kung mahaba! haha! But i can understand why you would rather just ask those few questions kasi practically speaking, e praktikal naman talagang wag na pagaksayahan ng panahon ang pagtatanong kung makikita mo rin naman for yourself ang kung anuman o sinumang taong yun. so ang haba na ng sinabi ko e sasabihin ko lang naman na magpinsan nga tayo. bwahahahaha!
LikeLike
eh kahit naman promiscuous sya o hindi e pupuntahan ko rin naman sya – i love it!
LikeLike
uy will, anong LUR!mabuhay ang mga tamad na nagkukunwaring mabait! effective di ba? hahaha
LikeLike
HTGOF–> love the REGURGE! parang VIRG! and VAG!Ate Kaye–> pinaka accurate ang observation na mahabang paragraph kung mahaba hahahaha. narindi ako nung binasa ko na sya ulit in a different state of mind hahahahaLittle Joey–> pigil na pigil akong gumamit ng tagalog term for promiscuous, baka naman mag muka nang xerex itong blog na ito ahahahma'am jean–> VERY effective! good thing I read that blog entry of yours first year pa lang. And about lur, yun yung di mo na ginagawa ngayon pero you almost did again one time when you crossed taft one stressful day but failed to do again anyway dahil wala kayong dalang pera ahahahaha.
LikeLike