Crank

Minsan iniisip ko na sana ay pwede rin akong magka-regla. Ito ang sinabi ko kay Amoketh isang araw habang kumakain kami ng sushi sa ambulance parking lot. Sa mga nakalipas na araw kasi ay napapansin kong masyado akong cranky. Kaunting bagay lang ay para na akong pinagsasakluban ng langit at lupa (at dahil fun gamitin ang expression na iyon). Halimbawa, madiskobre ko lang habang naglalakad ako papasok sa ospital na maluwag at bacon-ish pala ang medyas ko dahil unti-unti na silang bumababa sa sakong ay parang gusto ko nang mamatay. Exaj. Hindi naman mamatay. Dahil pag sinabi mong gusto mo nang mamatay o pag sinabi mong feeling mo mamamatay ka na ay nakakainsulto ito sa mga totoong mamamatay na pero ayaw pa nila. Profound.

Back to wanting to have regla. Dahil pag may regla ka ay kahit papaano meron kang sisisihin na organic sa pagiging masungit. Dati ay inaaccuse lang ng mga tao ang mga babae na nagsusungit-sungitan pag may regla, pero ilang kaibigang babae ko na rin ang napapansin kong specially masungit sa spesipikong linggo ng buwan. Halimbawa, ang lagi kong kasamang si ****** ay masungit, umiiyak nang wala sa oras, at lethargic all at the same time pag last week of the month na. At totoo nga, ito ang linggo ng kanyang regla.

CRANK: High Voltage

O baka dahil lagi lang akong gutom dahil sa abnormal na oras ng tulog at trabaho whine whine whine. Nung isang araw, habang nagkiklinik ay inatake ako ng matinding gutom. In fact nakita ko palang ang mataas na pile ng charts ay nagutom na ako lalo ng husto. Ang mga pasyente sa aming klinik ay medyo galante in general, at naisip ko na since magpapasko naman ay baka mabiyayaan ako ng pwedeng kainin sa oras na yun. Pero, habang palakad-lakad ako sa klinik ay napansin kong ang ibang fellows ay parang may panederya na sa mga lamesa nila, puno na ang mga ito ng mga cake, brownies, Wafu, at lahat ng varieties ng hopya. So far, for the day, ika-pitong pasyente ko na out of the twelve ay wala pa rin sumasagot sa gutom ko. In pure gutom, in pure kakapalan, in my head: please please kahit tasty bread with sandwich spread, and Plus King Size, basta pwede kong kainin RIGHT NOW. Oo, pathetic na kung pathetic, pero gutom na gutom na talaga ako.

Finally, ang ika-walong pasyente ay nag-abot ng supot pagkatapos ng kimo. Supot! Kinuha ko ito, nagpasalamat, naglaway, at naghanda nang tumalikod at kainin ang mga posibilidad na ito: sandwich/donut/hopia/tinapayan special. Hindi muna ako tatawag ng next patient, kakainin ko muna ito.

Binuksan ko ang supot. Tinignan ang nasa loob.

Achara.



Categories: Blogs

10 replies

  1. ahahahaahha.that crank is just what you call….HANGRY! galit/negahan dahil sa hindi pagkain ahahahaahahahaha. masarap naman ang atchara. it just happened that it wasn't what you needed at the moment. AHAHAHAHAHAHAHAHA dumeedeep bwahahahahahahahahaha

    Like

  2. akala ko nung una kaya ko pang iblame sa regla… yun pala kanegahan lang talaga. ahahahahah

    Like

  3. hi will Merry christmas and a happy new year. Its been a great year for all of us. Happy blogging =)

    Like

  4. Merry christmas and a happy new year. Its been a great year for all of us. Happy blogging =)

    Like

  5. BOTD: ahahahaha oo nga ano tamang tama ang konsepto ng HANGRY!!!!chaoticfancy: must be something in inhaled 5FU that causes nega!chino: Merry Christmas!

    Like

  6. bwahahahahaha! literal na napahagalpak na naman ako nang tawa. How thoughtful, how goldilocks naman ang patient with achara. But really, you have to hand it over to that patient. isipin mong di madali ang magregalo ng achara lalo at mas madaling bumili ng cookies, cakes, at iba't ibang klase ng donuts at hopia. :pso how did you finally satiate that hunger? what did you eat, really? I am that interested. Ahahahahha!

    Like

  7. ate kaye, nanghingi ako ng some biskwet sa mga katabi ko ahahahahaha. in fairness nga sa achara, at hindi pa madaling masira dahil may suka. sabi ko kasi wala akong ref, pero sabi nya di raw masisira dahil may suka ito. great gift suggestion!

    Like

  8. Back to wanting to have regla and nanghinge ako ng some biskwet!?! LOL! But the achara EEZ ZE SHIZNIT! hahaha

    Like

  9. ako pala yung anonymous, nobobo lang. hehehe

    Like

  10. Hi john! Now ko lang nabasa ito ahahaha i suddenly remembered i have a blog

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

From The Murks Of The Sultry Abyss

Words and photos by RA-san.

Ella Thinks Aloud

A blog by Ella Mae Masamayor

sing like wildflowers

My full and kooky life as a homeschooling mommy to 2 great kids, raising a child with HLHS (Hypolastic Left Heart Syndrome), coping with depression, following Jesus, and being much too camera happy.

Eris Goes To

Food, Thoughts, and Adventure

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras and typewriters, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Lucia's Fiction

Lifestyle and Writing Tips

Life and Lemons

Life through my graded eyeglasses

E Z R A P A D E S

A Compendium of Daily Quests, Mishaps and Sweet Escapades

Words and Coffee Writing

Navigating my writing adventures through teaching, motherhood, and cancer.

ladyveilchen writes

Nurse. Educator. Just loves life.

On the road

Life's journeys are worth sharing.

Inkhaven

A temporary haven for my restless words

The Yearner's Park

Your one stop entertainment and lifestyle website

%d bloggers like this: