Akala ko talaga ay hindi na ako makakapanood ng concert ng Keane. At oo, Keane na naman. Paulit-ulit di ba. Nakakairita. Para na akong magulang na paulit-ulit na nagpopost ng litrato ng anak sa Facebook.
Pangunahing kadahilanan ay kahirapan. Sa nakaraang buwan ay nagtitiis ako sa pag spend ng P16 per day, at dito ko na realize na kaya naman pala, basta gagalingan lang ang paglilimas ng mga delata at ulam mula sa bahay para kainin sa dorm. Kung dati ay nahihiya kami sa mga magulang namin tuwing naglalabas sila ng malaking supot at tupperware para mag-uwi ng pagkain galing sa isang party, ngayon ay mas malala pa kami. Kaya hindi ko na kako kayang ipagkasya na manood pa ng Keane, hanggang nag-email sa akin ng link ng sabay-sabay sina Namtab Pots, Helliza, at Toby na SALE ang tickets! Malamang ay dahil hindi naman super sikat dito ang
Keane.
“Wala pa rin akong pambayad kahit sale,” pa-whine na text ko kay Helliza.
“Wag mo na bayaran! AHAHAHAHAHAHAHAH!!!!” text ni Helliza.
Syempre babayaran ko, pero fifty pesos per week. Sa isang iglap ay nagkaroon ako ng ticket at mga kasama–si Helliza, HTGOF, Ken, and Deon. AHAHAHAHAAHHAHHA! Nakaka two-weeks na nga pala, wala pa rin akong naihuhulog.
Isang oras bago mag concert ay pumasok na kami sa concert area at… wala pang katao-tao. Namatay na ang initial excitement ng iba hanggang sa may na
“May number ba yung seats?” biglang tanong sa akin ng isang babaeng tawagin nating F5. “Dito kasi ako sa F5. Pero kung dyan mo gusto maupo ako na lang ang lilipat.” offer pa nya. “OK!” sabi ko. Apparently mag-isa lang sya manonood ng concert, at napansin namin na ang daming nanood na mag-isa lang.
“Muntik na rin ako manood mag-isa,” pa-whine at pa-self pity na sabi ko.
“Hindi naman siguro weird manood mag-isa ng Keane dahil ang Keane ay para sa mga taong may DEPRESSION PORTION! AHAHAHAHAHAHAAH!” bulalas ni Helliza. For more of Helliza’s bulalas portion, kailangan nyong basahin ang blog entry nya na ito: http://benefitofthedaw.blogspot.com/2012/10/sit-backenjoybe-movie-hahaha.html
TO BE CONTINUED…. AHOY!
Categories: Blogs
Leave a Reply