Be Positive!

Nag ring na ang alarm clock, cellular phone, ipod, at iPad ko ay hindi pa rin ako nagising. Pagtingin ko sa orasan ay laking gulat ko nang makita kong 8:30am na. Nag give-up na lahat ng alarms, at naka limang tracks na ang Radiohead sa aking iPad. In retrospect, hindi talaga magaling na panggising ang Radiohead, kaya kinabukasan ay pinalitan ko na ito ng Audioslave. Hindi ko nga pala alam kung may Audioslave pa ba nang bumalik ang Soundgarden.

Syempre hindi ako tumayo kaagad. Nagpalipas pa ako ng thirty minutes bago ko nakuhang tumayo. Hindi naman ako puyat, hindi rin ako pagod, ngunit talagang nakakatamad na tumayo. Kung pwede lang hindi na tumayo at pumasok kahit kailan. Kampante naman ako dahil isa lang ang nakaschedule na pasyente ngayong araw, at recently ay wala nang mga surprise patients na nagpapakita. Malungkot din ito in some respect– namatay na recently ang mga toxic patients ko na pabalik-balik sa clinic o tawag nang tawag. Napansin ko na ang harbinger of death ay pag nakakaramdam na ako ng slight exasperation sa dami ng text at tawag ng pasyente, kaya pag nararamdaman ko na ito ay mas lalo na akong kinukutuban.

Hindi naman ito kagaya ng ibang araw na pagmulat pa lang ng mata ay ang una kong maiiisip ay, “shet, umaga na naman”. Ganunpaman, hindi pa rin ako tumayo kaagad. Binuksan ko muna ang aking Zombie Cafe at nagluto ng Handburgers and Flies. Naisip ko bigla ang sinasabi ng aking mga actively positive-minded friends. “GOOD VIBES! ATTRACT GOOD VIBES IN THE MORNING!” ang laging sinasabi ni RBTDS. Ganito rin ang sinasabi ni Smoketh, na kailangan mo daw isipin at i-claim ang positive energy pag umaga para dumating ito sa yo. Kaya ang nasa isip ko habang tinitiis kong buhusan ang sarili ko ng malamig na malamig na tubig: “GOOD VIBES! GOOD VIBES!!!”

Pagdating ko sa ospital ay nakita kong medyo nagbabaha na sa corridor papuntang cancer institute. Hindi naman umulan, pero may tubig na umaagos palabas o papasok ng office namin at ng katabing Pulmo office. Naka barikada ang buong stretch na may tubig. Pero dahil feeling ako, naglakad pa rin ako sa basang sahig. Pagdating ko sa dulo ay sarado ang gate, kaya naglakad na naman ako pabalik sa basang sahig at umikot nang malayo para makarating sa CI. Medyo nabasa na ang paa ko, pero kako, hindi matitinag ng basang paa ang aking GOOD VIBES.

Atsaka pa lang ako nag-wonder kung bakit nga ba baha pagdating ko sa clinic. Tinanong ko ang mga guard, “manong, bakit baha doon sa may office namin?”

“Malaki yata yung tae. May nagbarang toilet bowl overnight, at sumabog ito. Lahat ng tubig na yan galing sa toilet bowl.”

“Ganun po ba,” sabi ko in total defeat.
Hindi magiging maganda ang araw na ito, inisip ko habang nagbabali ng ampule ng ondansetron.



Categories: Blogs

2 replies

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

From The Murks Of The Sultry Abyss

Words and photos by RA-san.

Ella Thinks Aloud

A blog by Ella Mae Masamayor

sing like wildflowers

My full and kooky life as a homeschooling mommy to 2 great kids, raising a child with HLHS (Hypolastic Left Heart Syndrome), coping with depression, following Jesus, and being much too camera happy.

Eris Goes To

Food, Thoughts, and Adventure

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras and typewriters, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Lucia's Fiction

Lifestyle and Writing Tips

Life and Lemons

Life through my graded eyeglasses

E Z R A P A D E S

A Compendium of Daily Quests, Mishaps and Sweet Escapades

Words and Coffee Writing

Navigating my writing adventures through teaching, motherhood, and cancer.

ladyveilchen writes

Nurse. Educator. Just loves life.

On the road

Life's journeys are worth sharing.

Inkhaven

A temporary haven for my restless words

The Yearner's Park

Your one stop entertainment and lifestyle website

%d bloggers like this: