Isang Sakong Pasensya Cookies

Nakaka-apat na buwan na ako dito sa isteyj ng buhay na tinatawag na “private practice”. Hindi naman ako nag-eexpect na winner agad ang practice, at pinrepare ko na rin naman ang sarili ko sa often-cited phase na “pagbibilang ng butiki sa kisame” o “pagbibilang ng crack sa pader” o “pagmamarathon ng Law and Order SVU” sa clinic, ie, zero patients, or more appropriately, THERO patients. Ganunpaman, nakakairita pa rin. AHAHAHAHAHA. Parang hindi sulit ang pag-aaral at pagte-train ng maraming, maraming taon all for this. Sana kirarir ko na lang ang pagsusulat, o kaya ay nagpaganda ng katawan para makagawa ng home-made porn. Ang mga buwan na nakalipas ay mas pinahirapan pa ng mga preparasyon, ie, mga kapapelan at kagastusan.

Matapos naming makadaan sa butas ng karayon na medical oncology boards ay nag klinik-klinik na ako sa mga maliliit na primary care clinics. Nagreserba ako ng isang weekday para mag-asikaso ng mga bagay-bagay, ie, ADULT STUFF. Hindi na ako nag-hire ng accountant dahil wala naman syang i-aaccount, kaya ako na lang mismo ang pumunta sa BIR para mag-register. Umabot ito ng apat na oras. Pero hindi pa syempre doon natapos ang registration, kailangan ko pa intayin ang ilang linggo para makuha ang mga booklet ng resibo.

TAPOS, kailangan din pala mag-ayos ng Philhealth na nagkakahalaga ng lampas sampung libo. PERO, requirement pala dito ang makakuha ng certificate of good standing sa PMA at sa local chapter nito ATSAKA sa specialty societies, na syempre ay may kaakibat din ng mga KABAYARAN. Inabot ako ng DALAWANG buwan para makuha ang mga leklat na cerficates of good standing, umikot pa kasi sa buong LUZON ang mga papeles para mapirmahan ng iba’t ibang doktor. Na-sense na siguro ng local chapter officer ang aking pagkabagot ng sinabi kong “PWEDE PO BANG AKO NA LANG ANG MAG-IIKOT AT MAGHAHAGILAP NG TAO PARA MAGPAPIRMA?” AHAHAHAHAHA. Syempre ang sabi nya, “HINDI!”

So finally nakapag-file na ako ng Philhealth gamit ang perang pinangutang ko pa (dahil 1,000 na lang ang laman ng bank account ko by that time AHAHAHAHAHAHA). Sabi ko, finally makakapag-admit na ako ng patients at kikita-kita na kahit papaano. BUT! TWO MONTHS pa ang inintay para magkaroon ng accreditation number. Tama si Renrerenrenren na isa nang ganap na pulmonologist (congrats!)– kailangan ng isang sakong PASENCIA COOKIES sa pag-aayos ng requirements. Pwede ko namang ayusin na ang lahat ng ito kahit nagte-training pa lang ako, pero syempre, as usual, rate limiting ang pera at oras sa pagpunta-punta kung saan-saan.

Ganunpaman, hindi rin naman kikita from admissions dahil syempre, kailangan ng ospital na pag-aadmitan, at karamihan sa mga ospital ngayon ay nag-rerequire na ng mga stocks, right to practice, privilege to practice, privilege to hold clinics, hospital development fund, or kung anu-ano pang tawag basta ang gist ay magbayad ka sa ospital ng P150,000 to P450,000 para maging active status ka. May option namang hindi magbayad at maging visiting physician na lang, PERO, para makapag-admit ay syempre kailangan ng… PASYENTE! Na wala. AHAHAHAHHA.

No wonder, at this stage ni Thymes a few months back, ay nagdecide syang bumili ng plane ticket, magsuot ng burqa, at pumunta sa Mindanao kung saan wala syang kakilala para doon mag-practice. Ito pala ang tinatawag FUCK IT stage. Or for more drama, FUCK EEEEEEEEEEET stage.

All together now: FUCK EEEEEEEEET (or kung maganda na practice mo, good for you, hindi kailangang sumabay).



Categories: Blogs

8 replies

  1. masarap naman ang pasensya cookies! mas masarap pa ito kesa sa eggnog; bagamat mas perpektong bilog ang eggnog kesa sa pasensya. @_@

    Like

  2. just keep swimming ang theme. haha. at least may kasamang cookies. ahahahaha. for kapagurang asal ahahaha.

    Like

  3. Just had bppv na gapangan sa floor level. Wala ngang budget, tapos in my pure hilo nag iisip ako kung ano ang pwede ibawas sa career, pero mauubos ang budget. Faith na lang. You realize the simple thing you just wanted but as of now, not yet enough to make ends meet. Haaay.

    Like

  4. tama masarap ang pasensya cookies ahahahahha

    Like

  5. ito ang pinakamagandang rendition ng pagbibilang ng butiki story. ipost mo din ang onco tula mo… because you really can write hehehehe

    Like

  6. Magtayo tayo ng cafe sir. Na may pasensya cookies (keeping with the theme lang) -kathy

    Like

  7. @silverfork, done. AHAHAHAHAHA.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

From The Murks Of The Sultry Abyss

Words and photos by RA-san.

Ella Thinks Aloud

A blog by Ella Mae Masamayor

sing like wildflowers

My full and kooky life as a homeschooling mommy to 2 great kids, raising a child with HLHS (Hypolastic Left Heart Syndrome), coping with depression, following Jesus, and being much too camera happy.

Eris Goes To

Food, Thoughts, and Adventure

Pinoy Penman 3.0

The continuing chronicles of Jose Dalisay Jr., aka Butch Dalisay, a Filipino collector of old fountain pens, disused PowerBooks, '50s Hamiltons, creaky cameras and typewriters, VW spare parts, poker bad beats, and desktop lint.

Lucia's Fiction

Lifestyle and Writing Tips

Life and Lemons

Life through my graded eyeglasses

E Z R A P A D E S

A Compendium of Daily Quests, Mishaps and Sweet Escapades

Words and Coffee Writing

Navigating my writing adventures through teaching, motherhood, and cancer.

ladyveilchen writes

Nurse. Educator. Just loves life.

On the road

Life's journeys are worth sharing.

Inkhaven

A temporary haven for my restless words

The Yearner's Park

Your one stop entertainment and lifestyle website

%d bloggers like this: