Pinag-uusapan lamang namin ni Smoketh nung isang araw na habang tumatanda kami at nagiging mga tinapay na may amag, or mismong amag, lalong umiiksi ang aming mga attention span. Halimbawa nagkukwentuhan kami nina Frichmond habang kumakain ng Subway sandwich, mga apat na threads na sabay-sabay ang pinag-uusapan, mapuputol sa gitna, at maaalala na lang ulit after 1 hour. Hindi ko na kayang manood ng pelikula sa TV or sa laptop, after two minutes magbubukas na ako ng window ng digital comics, o magsusulat ng blog sa isa pang window. Kung nangyari ito nung mid-90’s maaari naming sisihin ang MTV, pero sa ngayon wala na yatang nanonood ng MTV. Hindi na rin pwedeng sisihin ang text messaging and crap, mga social psychologists whatever na lang siguro ang mag susulat ng mga ganoong bagay. Ganito siguro talaga pag nagiging prune, tinapay na may amag, o mismong amag.
Siguro ang isang bagay na maaaring sisihin dito ay ang ilang taong pagpapraktis ng intense na pakikinig kunwari sa nakakataas na doktor kagaya ng fellow at consultant, or ng intense na pakikinig sa klinik habang sinasabihan ka ng lahat ng problema at nararamdaman. May nodding, may token “aaaah”, may hawak konti ng kamay, hawak konti ng balikat, na sa totoo lang ang iniisip ay kung kailan ba ako makakakuha ng kornik na nasa drawer ng lamesa ko. Or baka hindi iyon cause, kundi isang manifestation mismo ng short attention span. Ang corny, may pa-ita-italics pa ng terms, para tuloy itong isang pretentious… psych paper. AHAHAHAHA.
Nung isang gabi halimbawa ay naka-download na ako sa wakas ng isang episode ng Games of Thrones. Maganda daw kasi sabi ni Ardee Lugo, Callistus Netromedev, at iba pa. Hindi ko masyado forte ang mga high-fantasy stuff, pero dahil hindi naman daw ito high-fantasy sorcerers-and-dragons stuff pinanood ko na rin. And nandito rin kasi si Boromir. After one minute ay… na-bore ako at scinroll ko na bigla sa ending ng episode. AHAHAHAHA. At (spoilers, as if) napa-mura ako sa final scene. Mabilis naman ako mapa-mura talaga, may makita lang akong ipis na lumilipad napapamura na ako nang husto. Pero sa final scene ay malutong ang mura, kung saan umakyat yung bata sa mataas na tore, at napanood nya sa bintana ng tore na nag-sesex yung dalawang characters. Nilapitan yung bata nung lalaki at… tinulak sya mula sa tore down down to the ground. Blag.
To be continued. Hmmm… mukang maganda.
Categories: Blogs
ahek! pakopyaaaaa! the animated video of the bus falling off the skyway is bizarre. kala ko sa movies lang yun nangyayari.
LikeLike
hehe! sir ngayon ko lang din papanoorin kakakuha ko lang ng copy.
LikeLike
Ano yang Game of Thrones na yan? Wala na akong alam jan! Ahaha, I guess I'm stuck sa MTV! Yung grunge ha. For total prune-ness!
LikeLike
BOTD, sige pakokopyahin kita, let's test… your attention span! ahahahaha pero maganda raw talaga.Jay-R, write about it! specially the gruesome parts!!!Ma'am Jean, some HBO series about royalty clans and stuff. yata. basta lots of… gruesomeness. AHAHAHAHAHA. MTV, I LIKE!
LikeLike
ilang season na ba yan? i'm downloading the 1st season. haha. feeling ko after 5 mins…maga-ADHD na naman ako ahahaha
LikeLike