At sino ang mga pagala-gala sa ospital kundi… mga bagong interns! Mga bagong hellows! Mga bagong pasyente! Nagtataka kami nung una noong mga huling araw ng Abril dahil may mga naglalakad-lakad na grupo na wari tumitingin tingin sa paligid habang may ilang nagpapaliwanag ng mga bagay-bagay. Apparently ito pala ay mga bagong interns na tinu-tour. “Tandaan, hindi sa laboratory sinusubmit ang ABG,” sabi ng isang bibong intern. At sa ibang grupo naman ang aking na-eavesdrop ay, “Ano ang mga pulang folder na yan?” “Yan ang mga charts ng pasyente.”
Samantala, sa aming cancer clinic ay may dalawang incoming 4th year medical students na nag-eelective. Hindi namin maintindihan kung bakit nila gustong mag-elective dito. Nung panahon kasi namin (noong unang panahon), ang goal namin sa pagkuha ng elective ay… makapahinga. Hindi na kami magkukunwari–gusto lang namin ng pinakawalang gagawin na rotation. Yung hindi kailangan mag-aral, mag-isip, at kung pwede, yung hindi kailangan pumasok. Bakit ba, walang pakialaman. Kaya wala ring pakialaman kung gusto nung dalawa ng relatively toxicer rotation.
For more, bibo sila. Tumitingin sila ng maraming pasyente at kumpleto ang history, physical examination, at pinaka-detalyadong personal and social history. May case presentation sila every week, and for MORE, high-level ang kanilang mga slides. Yung may meta-analysis, RCT’s, and other supporting stuff pa. Pwede nang pang-audit. Iaccelerate na yang mga yan to hellowship!
Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Dahil nung 2004, ang kinarir ko lang nung elective ay ang pagbili ng action figures. Maituturing kong golden age of action figurehood ang taon na iyon dahil ang ganda pa ng Marvel Legends by Toy Biz at Lord of the Rings Action Figures by Toy Biz. Madaming rare action figures noon na mabibili mo lamang sa regular price kung masipag ka. Kaya 10am pa lang ay nakabantay na ako sa pagbukas ng Robinson’s. Tapos tatakbo ako agad sa toy section at iintayin ang pagbukas ng kahon ng mga bagong deliver na laruan. Dahil elective ay nagagawa ko ito araw-araw. Nag pay-off naman. Nakabili ako ng very rare na Juggernaut, Eowyn, Cable, at marami pang iba. Tuwing iniisip ko ang paborito kong taon na 2004 ay naaalala ko ang amoy ng mga bagong bukas na laruan na ito. Mmmmmm.
Like this:
Like Loading...
Categories: Blogs
ew kadiri ang nerd nila!
LikeLike