Independence Day at walang pasok. Pwede naman akong umuwi ng probinsya, pero kako, mahal ang pamasahe, kaya nanatili na lamang ako sa aking kwarto para gumawa ng kung anu-ano. Isa pa, dahil Independence Day, more excuse para mag bloggeth ulit ng tagalog.
Sabi ko makapag catch-up nga sa mga komiks na matagal ko na gusto basahin pero hindi ko nababasa. Kaya nagbasa ako ng Uncanny X-Men muli na ngayon ay nasa isyu 13 na simula nang ito ay mag-renumber. Tapos binabasa ko rin ngayon ang Avengers VS X-Men. Nakakairita na kasi ang DC Universe ngayon. Wala nang point. Kaya nagpapaka Marvel na muna ako kahit ako ay DC by heart.
Nanood din ako ng pelikula. Ang pinanood ko ay Young Adult na pinagbibidahan ni Charlize Theron at Patrick Wilson. Nirekomenda kasi ito ng paborito kong comicbook podcast na iFanboy.com, kaya pinanood ko na lang din kahit mukang boring. On the contrary, hindi ito boring! Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang ghost writer ng young adult books ala Sweet Valley High na nag-sort-of BRP (brief reactive psychosis) nang inemail sya ng baby picture ng ex-boyfriend nya. Kaya bumalik sya sa kanyang small town at nagrenta ng isang kwarto sa motel para magsulat. Kunwari. Dahil kaya sya bumalik ay para akitin muli ang kanyang ex-boyfriend na si Patrick Wilson nga, na kasal na at may baby pa. Ang role ni Patrick Wilson sa mga pelikula nya ay yung guy na laging nilalandi. Sa movie na Little Children may asawa na sya ay nilalandi pa sya ng secret haliparot na si Kate Winslet. Sa Watchmen ay nilandi naman sya ni Silk Spectre kahit isa na syang retired, life-weary ex-superhero divorcee. Speaking of Watchmen, may bagong release ang DC Comics na Before Watchmen. May mga comic books na hinding hindi dapat ginagalaw, kagaya ng Watchmen. Nakakairita talaga ang DC Comics ngayon, dapat silang recite-an ng Anti-Life Equation.
And then. AND THEN! Na-realize ko kung bakit ito nirekomenda ng iFanboy podcast. Ito ay dahil ang pelikulang ito ay isang fanboy fantasy. May isang karakter kasi na single, maliit, mataba, mabaho, pilay, at walang ginagawa sa buhay kundi… mag-customize ng action figures! Kaya relate kaming lahat na ganito ang profile. Natuwa nga ako nang makita ko ang action figures sa table nya: isang Sinestro Corps member, Mongul, Nite Owl, at iba pa na cinucustomize nya. At, kaya ko masasabing isa itong fanboy fantasy ay dahil–spoiler alert– sa kanya at hindi kay Patrick Wilson nakipag-sex si Charlize Theron. But not for lack of trying, dahil nilandi muna ni Charlize si Patrick to the highest degree at nang nag-fail ito ay tsaka lamang ito nakipag sex kay pudgy guy. Moral lesson: between a nice, tall, hunky guy who is married and an unattached pudgy guy with man boobs, wag nang mapili. Sabi nga ni Smoketh, di dapat masyadong mataas ang standard, in fact ang standard dapat ay: Basta humihinga. Even lower for Walking On Water, dahil para sa kanya: kahit naka-intubate.
Categories: Blogs
where is your new entry about your newest gadgetification?????? 🙂
LikeLike
Nabasa mo ba yon sa internet yung mga guy penguins pala nakikipagsex kahit sa bankay penguins! DEAD PENGUINS! (yes inenglish ko lang) Grabe! Kaya if penguins can do it so can we!
LikeLike
eeeeeew. where is that article? aber aber? let me read it! *taps foot*
LikeLike
oo nga, may interesting stuff dun like the overheard (ang lakas din naman kasi) na: Iwan mo na si sir! AHAHAHAAHAH. wait let us read that article!
LikeLike
ahahaha. dali write it na! ahahaha. :p haaaaaaay. this rain is making me somber and lonely. 😦 where is the article? linketh!
LikeLike
http://www.huffingtonpost.com/2012/06/09/historical-documents-reveal-sexual-depravity-penguins_n_1583227.htmlread on! penguin necrophilia!yeah im sure box office hit and gadgetification mo isulat na! pronto!
LikeLike
http://www.huffingtonpost.com/2012/06/12/why-are-there-gay-men_n_1590501.htmleto pa. therefore helliza. i am quite sure hindi tyo magkakaanak na bakla by virute of our only childness and tigangness!
LikeLike
Will! Sobrang okay yang Young Adult! Galing no? I especially liked how Charlize was able to convey how out of touch to reality yung character nya.
LikeLike
Hi john yup at pinakanatawa ko sa pag slam nya dun sa kanyang fangirl na kapatid nung fat guy ahahahah
LikeLike
The term—- haliparot!!!! Loooove it!!!!
LikeLike
Hey ANL!
LikeLike